Tuesday, January 18, 2011

Epiko: Indarapatra at Sulayman (Buod)

Noong araw ay may isang dakilang hari. Siya ay si Indarapatra, hari ng Imperyo Mantapuli. Ang Mantapuli ay matatagpuan sa kanluran ng Mindanao, doon sa ilayong lupain kung saan ang araw ay lumulubog. Si Indarapatra ay nagmamay-ari isang mahiwagang singsing, isang mahiwagang kris, at isang mahiwagang sibat. linagud, aking sibat, magtungo ka sa silangan at lupigin ang aking mga kaaway!" utos I hari. Pagkatapos magdasal, inihagis niya si Hinagud nang malakas. Pagkatapos akarating ni Hinagud sa Bundok Matutun, bumalik ito sa Mantapuli at nag-ulat sa myang panginoon.
Aking panginoon, maawa kayo sa mga taga-Maguindanao. Sila'y pinahihirapan at pinaglalamon ng mga halimaw. Sinira ng mga halimaw ang kanilang mga pananim at ang kanilang mga kabahayan. Binabalot ng mga kalansay ang kalupaan!" ulat ni Hinagud.
Nagalit si Indarapatra sa narinig. "Sino ang mga halimaw na iyon? Sino ang mga valang-awang pumapatay sa walang kalaban-labang mga taga-Maguindanao?" galit w tanong ni Indarapatra.
"Una'y si Kuritang maraming paa at ganid na hayop sapagkat ang pagkaing laan sa limang tao'y kanyang nauubos," sagot ni Hinagud. "Ikalawa'y si Tarabusao. Isa siyang halimaw na mukhang taong nakatatakot pagmasdan. Ang sinumang taong kanyang mahuli'y agad niyang kinakain. Ikatlo'y si Pah, isang ibong malaki. Ang bundok ng Bita ay napadidilim niya sa laki ng kanyang mga pakpak. Ang lahat ng tao'y sa kweba na nananahan upang makaligtas sa salot na itong may matang malinaw at kukor matalas. Ikaapat ay isa pang ibong may pitong ulo, si Balbal. Walang makaligtas sa bagsik ng kanyang matalas na mata pagkat maaari niyang matanaw ang lahat ng too sunud-sunod na paliwanag ng sibat.
Nang marinig ito ni Indarapatra, nagdasal siya at inutusan ang kapatid na Sulayman, ang pinakadakilang mandirigma ng kaharian, "Mahal kong kapatid, huma> ka at tulungan ang mga taga-Maguindanao. Ito ang aking mahiwagang singsing at Juru Pakal, ang aking mahiwagang kris. Makatutulong ang mga ito sa iyong pakikidigmc Kumuha si Indarapatra ng isang batang halaman at ipinakiskis niya ang singsing r ibinigay kay Sulayman sa halaman at kanyang sinabi, "Ang halamang ito ay mananatilir buhay habang ika'y buhay at mamamatay kung ika'y mamatay."
At umalis si Sulayman sakay ng kanyang vinta. Lumipad ang vinta pasilangan c lumapag sa ka-Maguindanaoan. Biglang dumating si Kurita. Biglang tumalon si Jur Pakal, ang mahiwagang kris, at kusang sinaksak si Kurita. Taas-baba. Taas-baba Juru Pakal hanggang namatay si Kurita. Sa pakikidigma ni Sulayman, nawala niya ar kanyang singsing.
Pagkatapos ay kinalaban ni Sulayman si Tarabusao. "Lisanin mo ang lugar r ito... kung hindi, mamamatay ka!" utos ni Sulayman.
"Lisanin ang lugar na ito! Nagkasala ang mga taong ito at dapat magbayad!" sage ni Tarabusao.
"Nandito ako upang alisin ang lagim mo rito sa Maguindanao . . . ang aking Diyos ay mabait sa mga nagdurusa at pinahihirapan ang mga demonyo," sabi ni Sulayman.
"Matalo man ako, mamamatay akong martir!" sagot ni Tarabusao. Naglaban si at duguan si Tarabusao. "Binabati kita sa iyong kagalingan, sa iyong kapangyarihai Paalam," huling sambit ni Tarabusao at tuluyan na siyang namatay.
Naglakad si Sulayman sa kabilang bundok upang sagupain si Pah. Ang Bundok Bita ay balot ng mga kalansay at ng mga naaagnas na bangkay. Biglang dumating: Pah. Inilabas ni Sulayman si Juru Pakal at pinunit nito ang isang pakpak ni Pal Namatay si Pah ngunit nahulog ang pakpak nito kay Sulayman. Namatay si Sulaymai
Sa Mantapuli, namatay ang tanim na halaman ni Indarapatra. Agad siyang nagtung sa Maguindanao at hinanap ang kapatid. Nakita niya ito at siya'y nagmakaawa s Diyos na buhay in muli ang kapatid. Tumangis siya nang tumangis at nagdasal kc Allah.
Biglang may bumulwak na tubig sa tabi ng bangkay ni Sulayman. Ipinainom ito ni Indarapatra kay Sulayman na biglang nagising. "Huwag kang umiyak, aking kapatid napatulog lamang ako nang mahimbing," sabi ni Sulayman. Nagdasal sina Indarapatr at Sulayman upang magpasalamat sa Diyos. "Umuwi ka na, aking kapatid. Ako na ar tatapos kay Balbal, ang huling halimaw," utos ni Indarapatra. Umuwi si Sulayman c nagtungo si Indarapatra sa Bundok Suryan at doon nakipaglaban kay Balbal.
sa-isang pinutol ni Indarapatra ang mga ulo ni Balbal hanggang isa na laman ang natira. Matapos ito, lumisan si Balbal na umiiyak. Inakala ni Indarapatra n namatay na si Balbal habang ito'y tumatakas. Ngunit ayon sa mga too ngayon a buhay pa si Balbal... patuloy na lumilipad at humihiyaw tuwing gabi.
Pagkatapos ng labanan, naglakad si Indarapatra at tinawag ang mga taong nagtago sa kuweba ngunit walang sumagot. Naglakad siya nang naglakad hanggang siya'y nagutom at napagod. Gusto na niyang kumain kaya pumulot siya ng isda sa ilog at nagsaing. Kakaiba ang pagsaing ni Indarapatra. Inipit niya ang palayok sa kanyang mga hita at umupo siya sa apoy upang mainitan ang palayok. Nakita ito ng isang matandang babae. Namangha ang matandang babae sa taglay na kagalingan ni Indarapatra. Sinabihan ng matanda na maghintay si Indarapatra sa kinalalagyan sapagkat dumaraan doon ang prinsesa, ang anak ng raha. Umalis ang matandang babae dala ang sinaing ni Indarapatra.
Pagkalipas ng ilang sandali ay dumaan nga ang prinsesa at nakuha ni Indarapatra mga tiwala nito. Itinuro ng prinsesa kung saan nakatago ang ama niya at ang nalalabi sc kaharian nifa. Nang magkita si Indarapatra at ang raha, inialay ng raha ang innyang pag-aari kay Indarapatra. Ngunit tinanggihan ito ni Indarapatra bagkus knyang hiniling ang kamay ng prinsesa.
Nanatili si Indarapatra nang maikfing panahon sa Maguindanao. Tinuruan niya kg mga too kung paano gumawa ng sandata. Tinuruan niya rin sila kung paano maghabi, magsaka, at mangisda. Pagkalipas ng ilang panahon pa, nagpaalam na si Indarapatra. tapos na ang aking pakay rito sa Maguindanao. Ako ay lilisan na. Aking asawa, manganak ka ng dalawa, isang babae at isang lalaki. Sila ang mamumuno rito sa inyong kaharian pagdating ng araw. At kayong mga taga-Maguindanao, sundin ninyo ang aking mga kodigo, batas, at kapangyarihan. Gawin ang aking mga utos hanggang may isang mas dakilang haring dumating at mamuno sa inyo," paalam ni Indarapatra.
Habang kumakain, nakita ni Indarapatra ang kanyang mahiwagang singsing na naiwala ni Sulayman sa isdang ulam. Pagkatapos nito ay bumalik na siya sa kanyang kaharian sa Mantapuli.




http://marionette23.multiply.com/journal/item/36/Epiko_Indarapatra_at_Sulayman

19 comments:

  1. Like usual epics, it shows the heroic act of Indarapatra and Sulayman, which explains its title. I admit it's the first time I encounter this story but it amazed me nothing more.

    ReplyDelete
  2. M0st of the epic is like this thanks

    ReplyDelete
  3. Thank you for the informations. It helps me a lot to find the assignment of my sister but I guess the font size is too small that doesn't fit the color of the background. I'm sorry for being straightforward. That's just my comment. :) And btw I love the color =)

    ReplyDelete
  4. for my assignment, it really helps me.

    ReplyDelete
  5. Gustong gusto ang storya. Its my first time encounter this story.:D thanks

    ReplyDelete
  6. Gustong gusto ang storya. Its my first time encounter this story.:D thanks

    ReplyDelete
  7. PUTANGINANG BUOD YAN MAS MAHABA PA SA K-12 CURRICULUM E

    ReplyDelete
  8. salamat talaga sau kase wala akong pera kaya di nagkasya yung buong kwento sa print ko kaya binuod kona lang salamat uli ahh labyu!!!

    ReplyDelete
  9. "me too i really like the story i learn a lot from it!!!"

    ReplyDelete
  10. Ano po ang katangiang taglay ni raja sulayman

    ReplyDelete
  11. Thanks for the summary. I really appreciate it a lot. It helps me in my assignment😘😘😘

    ReplyDelete
  12. hi ahm pwede po bang sabihin nyo sa akin kung ano ang simbolo ng tubig sa kwento po para lang po talaga sa report namin please

    ReplyDelete
  13. hi po hmmm pwd po mg tanong?para lng po sa assigment ng couzen ko....ito po ang tanong..,,ano relasyon n darapatra kay solayman?

    ReplyDelete